Buntis nahulog sa tulay kawayan tumusok sa tiyan
November 24, 2002 | 12:00am
Nasawi ang isang ginang kasama ang sanggol sa sinapupunan nang mahulog sa isang tulay na kawayan at tumusok ang tiyan sa mga nakausling kawayan, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.
Nakilala ang nasawi na si Elizabeth Gregorio, 36, ng Tabing-Dagat, Bagog, Brgy. Daang Hari ng nasabing bayan.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa isang tulay hindi kalayuan sa bahay ng ginang.
Nabatid na kasalukuyang tumatawid ang ginang sa naturang tulay na may dala pang isang baldeng tubig nang biglang maputol ang nasabing tulay dahilan upang mahulog ito.
At sa kanyang pagbagsak minalas pang natusok ang tiyan nito sa nakausling kawayan sa ilalim ng tulay.
Ayon sa ilang residente sa nasabing lugar, hindi lamang ang pagkamatay ni Gregorio ang aksidenteng naganap sa tulay dahil na rin sa umanoy hindi pag-aksyon ng lokal na pamahalaan na maipaayos ang daanan dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am