^

Metro

Saksi sa pinatay na estudyante ng AMA handang lumutang

-
Handang lumantad ang isang babae na umano’y testigo sa pagpatay sa graduating student ng AMA Computer College na natagpuang may malalalim na saksak sa tiyan, kamakalawa ng umaga sa loob ng University of the Philippines (UP) campus sa Diliman, Quezon City.

Ayon kay Gng. Maureen Manzano, ina ng biktimang si James Ireneo Manzano, 22, Mass Communication student, tumawag sa kanya ang babae na umano’y nakakita ng pananaksak sa biktima noong madaling araw ng Biyernes.

Hindi naman idinetalye ni Gng. Manzano ang pag-uusap nila ng testigo sa pangamba na maunsyami ang kanilang balak na pagsasampa ng reklamo laban sa suspect.

Si Manzano, ng Blk. 1, Lot 22 Cauliflower St., Greenweeds, Executive Village, Pasig City ay may saksak sa tiyan na naging sanhi ng pagluwa ng kanyang bituka.

Natagpuan dakong alas-6:20 ng umaga ang biktima sa ilalim ng puno ng bulak na nasa harap ng Palma Hall ni Gregorio Repaldan, isang UP employee at hindi naman kalayuan ay natagpuan ang ginamit na kitchen knife na may habang walo hanggang siyam na pulgada.

Tumanggi umanong ibunyag ni Gng. Manzano ang pangalan ng testigo subalit nakatitiyak siyang lulutang ito kapag ipinatawag ng pulisya upang magbigay-linaw.

Hinihinala rin ni Gng. Manzano na family feud ang motibo ng pagpatay sa kanyang anak dahil matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa at may pagbabanta sa kanilang buhay.

Gayunman, sinabi ng pulisya na hindi pa rin nila iniaalis ang anggulong love triangle bagamat nagbigay na ng kanyang salaysay ang dating kasintahan ng biktima na umano’y mayroong bagong boyfriend na isang UP student. (Ulat ni Doris Franche)

CAULIFLOWER ST.

COMPUTER COLLEGE

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE VILLAGE

GNG

GREGORIO REPALDAN

JAMES IRENEO MANZANO

MANZANO

MASS COMMUNICATION

MAUREEN MANZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with