^

Metro

Singil sa tubig, di pa tataas

-
Walang magaganap na pagtataas sa singil sa tubig sa susunod na taon.

Ito ang tiniyak ni DPWH Secretary Simeon Datumanong na siya ring kasalukuyang Chairman ng Manila Water Services System (MWSS) Board of Trustees.

Ayon kay Datumanong, wala pang inaaprubahang anumang kahilingan mula sa dalawang water concessionaires ang Manila Water at Maynilad na pinapayagan ang mga ito na magtaas ng P10 sa bawat kubiko singil sa mga consumers.

Niliwanag ni Datumanong na hangga’t wala pang desisyon ang MWSS Board of Trustees ay hindi maaaring makapagtaas sa singil sa mga consumers ang mga nabanggit na concessionaires.

Sinabi ni Datumanong, kailangan pa rin umanong magsagawa ng public consultation bago magsagawa ng anumang aksyon hinggil dito.

Binanggit pa nito na sa pagsasagawa ng pampublikong konsultasyon maaaring dumalo ang mga interesadong partido, partikular na ang mga cause-oriented groups o non-governmental organization para madinig din ang panig ng mga ito.

Aniya, dito pagbabatayan ang magiging kasunduan ng mga consumers at dalawang water concessionaires. (Ulat ni Jhay Quejada)

ANIYA

AYON

BINANGGIT

BOARD OF TRUSTEES

DATUMANONG

JHAY QUEJADA

MANILA WATER

MANILA WATER SERVICES SYSTEM

SECRETARY SIMEON DATUMANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with