Estudyante dinedo sa loob ng UP campus
November 23, 2002 | 12:00am
Isang graduating student sa AMA Computer College ang natagpuang patay at may malalalim na saksak sa katawan, kahapon ng umaga sa loob mismo ng University of the Philippines (UP) campus sa Diliman, Quezon City.
Luwa ang bituka nang matagpuan ang biktimang nakilalang si James Ireneo Manzano, 22, graduating mass communication student at naninirahan sa Blk. 1, Lot 12 Greenweeds Executive Village sa Pasig City.
Batay sa ginawang imbestigasyon ni SPO2 Cresencio Bajao, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ni Gregorio Repaldan, empleyado ng UP ang biktima sa ilalim ng isang puno ng bulak na nasa harap ng Palma Hall.
Tinataya namang dalawa hanggang tatlong metro ang layo nang matagpuan ang isang kitchen knife na may haba na walo hanggang siyam na pulgada na pinaniniwalaang siyang ginamit sa biktima.
Ibinasura ng mga awtoridad ang anggulo na robbery dahil hindi naman nawala ang cellphone at wallet ni Manzano na may laman pang pera.
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang anggulo na love triangle dahil kahihiwalay pa lamang ng biktima sa kanyang kasintahan na sinasabing may bago umanong boyfriend na isang estudyante naman sa UP.
Ayon kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, dakong alas-6:20 ng gabi kamakalawa ay nag-text pa ang biktima sa kanyang inang si Maureen Manzano ng ganito: "Mommy nakapagsimba na ako, pauwi na ko. Ipagluto mo ako ng tokwa. Maraming-maraming salamat, I Love U".(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended