^

Metro

5-anyos sinunog, tinangkang pasagasaan ng ina

-
Isang 5-anyos na batang babae na matapos silaban ng kanyang sariling ina na may diperensiya sa pag-iisip ay tinangka pang pasagasaan sa mga nagdaraang sasakyan sa Pasig City kamakalawa ng gabi. Gayunman, dahil sa maagap na pagsaklolo ng mga bystander nasagip ang biktimang itinago sa pangalang Janice. Napag-alaman na naganap ang insidente sa tapat ng plaza ng Immaculate Concepcion Church sa Barangay San Jose ng nabanggit na lungsod. Ang paslit ay may bakas pa ng malalalim na sugat sa katawan buhat sa pagkasunog at iba pang uri ng pang-aabuso nang saklolohan ng mga taong nakasaksi sa insidente. Habang iniimbestigahan ay bigla namang nagwala ang ina ng bata kaya’t nagpasya ang mga awtoridad na dalhin ito sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City, na dito nadiskubre ng mga awtoridad na labas-pasok ang suspect. Nagtamo naman ng 3rd degree burns sa tiyan at paa ang batang si Janice. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SAN JOSE

GAYUNMAN

HABANG

IMMACULATE CONCEPCION CHURCH

JANICE

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with