Mag-ina patay sa P15-M sunog
November 22, 2002 | 12:00am
Isang mag-ina ang iniulat na nasawi, habang aabot naman sa P15 milyon ang natupok ng apoy sa sunog na naganap, kamakalawa ng gabi sa Ayala Heights Subdivision sa Barangay Balara, Quezon City.
Sa pagsisiyasat ni FO3 Dionisio Capote ng Bureau of Fire Protection, nakilala ang nasawing mag-ina na sina Marilyn Valera, 40, at anak na si Marilou, 13, ng #15 Lakandula St., ng nabanggit na lugar.
Umabot hanggang 4th alarm ang sunog na sinasabing dahil sa pagkakaroon ng short circuit buhat sa mga christmas light na nakalagay sa harapan ng bahay ng mag-ina.
Si Marilyn ay asawa ni Atty. Gil Valera na sinasabing kapatid ng talent manager na si Manny Valera.
Gayunman, patuloy pa rin na sinisiyasat ang insidente kung sa Christmas lights lamang nagmula ang sunog.
Isang opisyal naman ang nagsabi na kailangan munang siyasatin ang insidente dahil hindi masusunog ng husto ang buong kabahayan at mga sasakyan ng biktima kung christmas light lamang ang itinuturong ugat. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended