^

Metro

QC fiscal inireklamo ng rape ng maid

-
Isang piskal na nakatalaga sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang inireklamo kahapon ng kanyang katulong na paulit-ulit na gumahasa sa kanya sa loob mismo ng tahanan ng huli sa Quezon City.

Si 4th Assistant City Prosecutor Antonio Lim, 59, ng 134 Matatag St., Barangay Central, Quezon City ay pormal nang kinasuhan ng biktima na itinago sa pangalang Dolly, 19, katulong sa bahay ng pamilya Lim.

Ayon sa biktima, sinimulan umano siyang halayin ng suspect noon pang Abril 15, ng taong kasalukuyan sa loob mismo ng master’s bedroom hanggang sa maulit ito gabi-gabi lalo na nang umalis ang asawa nito patungong Estados Unidos.

Ang pinakahuli umano ay noon lamang nakalipas na Miyerkules sa servants’ quarter na dito nahuli ng misis ng piskal ang ginagawang panghahalay sa kanya.

Sa kabila pa umano ng kanyang paliwanag na puwersahan siyang hinahalay ng piskal, sa kanya pa nagalit ang misis nito at siya pa mismo ang sinaktan.

Sinabi pa ng biktima na hindi niya nagawang makapagsumbong dahil sa tinatakot siya ng among lalaki. Pinangambahan umano niyang kasuhan siya ng kung anu-ano sakaling magsumbong lalo’t nasa Agusan del Norte ang kanyang mga kamag-anak.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Chief City Prosecutor Claro Arellano na walang magaganap na whitewash sa kaso ni Lim.

Si Lim ay kasalukuyan pang pinaghahanap.(Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ABRIL

ASSISTANT CITY PROSECUTOR ANTONIO LIM

BARANGAY CENTRAL

CHIEF CITY PROSECUTOR CLARO ARELLANO

DORIS FRANCHE

ESTADOS UNIDOS

MATATAG ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

SI LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with