Ginang binoga ng lover na pulis sa loob ng presinto
November 21, 2002 | 12:00am
Apat na tama ng bala ng baril ang tinamo ng isang 42-anyos na ginang buhat sa nag-amok niyang ka-live-in na pulis sa loob mismo ng police station matapos ang mainitan nilang pagtatalo, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Helen Agan, meat dealer at residente ng Sampaloc St., Wonderland Townhomes, Barangay Namayan ng nabanggit na lungsod.
Samantala, ginagamot naman sa Mandaluyong City Medical Center ang suspect na mister na si SPO4 Pedro Ilao, na nakadestino sa Traffic Management Group ng Batangas PNP.
Si Ilao ay nagtamo naman ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan makaraang paputukan ni PO3 Ricardo Lucero,desk officer sa Police Community Precint 1 ng Mandaluyong City Police na matatagpuan sa Kalentong, Brgy. Pag-asa ng nabanggit na lungsod na siyang personal na nag-iimbestiga sa kaso ng dalawa.
Base sa isinagawang imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw sa nasabing presinto.
Nabatid na nagtungo sa nasabing presinto ang dalawa matapos ang mainitan nilang komprontasyon sa kanila pa lang bahay.
Sa loob ng presinto sa harap mismo ng desk officer na si PO3 Lucero ay nagsigawan pa ang mag-asawa at nagpapalitan ng maaanghang na salita.
Sa gitna ng komprontasyon ay hiningan ni Lucero ng identification card si Ilao, subalit bago pa man nito bunutin ang pitaka sa bulsa ay una nitong binunot ang dalang cal. 45 baril at saka pinutok ng sunod-sunod kay Agan na duguang bumulagta sa lapag.
Sinabi ni Lucero na napilitan siyang barilin si Ilao dahil sa maging siya ay pinuntirya nitong barilin subalit sumablay lamang at tumama sa kanyang mesa.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na selos ang siyang ugat sa pag-aaway ng dalawa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended