Naaagnas na bangkay ng 2 lola natagpuan
November 20, 2002 | 12:00am
Naaagnas at umaalingasaw na nang matagpuan kamakalawa ng gabi ang bangkay ng dalawang matandang babae na pinaniniwalaang nilooban at saka pinaslang ng kanilang driver sa Las Piñas City.
Nakatali pa ang mga kamay at paa ng dalawang matandang biktima na nakilalang sina Irenita Agito, 68, at ang stay-in na katulong nito na si Natividad Centino, 57, ng 60 Jasmin St., Vergonville Subdivision, Barangay Pulang Lupa ng nabanggit na lungsod ng ang mga ito ay matagpuan.
Samantala, ang hinihinalang suspect ay nakilala lamang sa mga alyas nitong Dodong at Butchokoy na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen dala ang Mitsubishi Lancer na pag-aari ni Agito.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Willy Dalawangbayan, ng Criminal Investigation Division ng Las Piñas Police, natuklasan lamang ang krimen makaraang umalingasaw na ang mabahong amoy sa kalapit-bahay ng mga biktima.
Sinabi ng mga kapitbahay ng mga nasawi sa pulisya na ilang araw na umano nilang hindi nakikitang lumalabas man lang ng bahay ang dalawang matanda kaya sila nagduda lalo pa ngat nagsimula na nilang malanghap ang masangsang na amoy.
Dakong alas-9 ng gabi kamakalawa ay tinungo na ng mga pulis ang bahay at walang nagbubukas sa kanila ng pinto kaya nang puwersahin ito ay tumambad sa kanila sa bangkay ng dalawang matanda.
Ang mga biktima ay natagpuan sa comfort room sa dirty kitchen ng bahay.
Nabatid pa sa imbestigasyon na ang suspect na driver ni Agito ang siyang huling nakitang lumabas sa bahay may apat na araw na ang nakakaraan na nagmamadali at dinala ang sasakyan ng amo.
Patuloy ang masusing imbestigasyon na isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended