Lady holdaper, 1 pa arestado
November 19, 2002 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng WPD ang isang lady holdaper kasama ang isa pang ka-grupo nito makaraang mangholdap sa isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.
Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Glady dela Cruz, 18 at Ricky Boltiao, 19, ng Oroquieta St., Sta Cruz, Manila.
Pinaghahanap naman ang isa pa nilang kasamahan na mabilis na nakatakas matapos ang isinagawang panghoholdap.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng umaga ng mangholdap ang grupo ng mga suspect sa isang pampasaherong jeep habang binabagtas ang nabanggit na lugar.
Ayon sa mga biktima, biglang nagdeklara ang mga suspect ng holdap at nilimas ang lahat nilang pera at alahas.
Matapos matangay ang mga kagamitan ng mga biktima ay bumaba ang mga suspect sa kanto ng T.M Kalaw St. kung saan lingid sa kanilang kaalaman ay sinundan sila ng kanilang mga naging biktima na humingi na rin ng tulong sa pulisya.
Nagtangka pang tumakas ang mga suspect subalit dumating na agad ang mga tauhan ng pulisya. Isa lamang sa mga holdaper ang nakapuga. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended