^

Metro

Ex-Comelec official lusot sa kasong murder

-
Nabasura ang kasong murder at frustrated murder laban sa dating opisyal ng Commission on Election (COMELEC) at bodyguard nito na nasangkot sa pagpaslang kay COMELEC -EID director Velma Cinco at pagkasugat sa anak nito noong nakalipas na Nobyembre 20, ng nagdaang taon sa Maynila.

Batay sa sampung pahinang resolusyon ni Raymunda Cruz-Apollo, 3rd Assistant City Prosecutor ng Manila, sinabi na ang kasong iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Atty. Ma Angelina Matibag, dating hepe ng Education and Information Division sa komisyon at Rodolfo Fortich na sinasabing tauhan ni Matibag ay dapat na ipawalang-saysay dahil sa kakulangan sa ebidensiya.

Sina Matibag at Fortich ay naunang isinangkot sa pagpatay sa biktimang si Cinco at pagkasugat sa anak nito na si Carlo habang papasok ang nasawi sa nasabing tanggapan noong nakalipas na Nobyembre 20.

Sakay ang mag-ina sa isang KIA Pride na tumatahak sa Eden St. sa Sta. Ana, Maynila nang tabihan ng hindi nakikilalang suspect sakay sa motorsiklo.

Namatay si Cinco dahil sa ibat-ibang tama ng bala ng baril sa katawan, habang ang kanyang anak ay nagtamo ng tama sa balikat.

Sinabi ng mga kaanak ng biktima na bago umano mapatay si Cinco tanging si Matibag lamang ang mayroon umanong motibo dahil sa tahasang pagbabanta nito sa buhay ni Cinco.

Nag-ugat umano ang alitan ng dalawang opisyal ng COMELEC nang alisin ni dating COMELEC Chairman Alfredo Benipayo si Matibag bilang hepe ng EID at ipalit si Cinco dahil sa pagkabigo umano ng una sa pagpapatupad sa information campaign noong nakalipas na May election.

Patungkol sa kaso hindi nakumbinsi ang prosecutor na may kinalaman si Matibag kasabay nang pagsasabing matapos na sabihin nito na ang kaso laban dito ay base lamang sa hinala at sabi-sabing ebidensiya. Gayundin ang motibo umano ay hindi pruweba para sa krimen. (Ulat ni Jhay Quejada)

vuukle comment

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

CINCO

EDEN ST.

EDUCATION AND INFORMATION DIVISION

JHAY QUEJADA

MA ANGELINA MATIBAG

MATIBAG

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with