^

Metro

2 todas sa nag-amok na baliw

-
Isang lalaki na kalalabas pa lamang sa pagamutan ng mga baliw ang nag-amok at nakapatay ng dalawa katao kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila.

Binugbog naman ng taumbayan ang suspek na si Nelson Roque, 55 anyos, walang hanapbuhay at nakatira sa 145 Mata St., Tondo ng nasabing lungsod.

Ang mga biktima na nasawi sanhi ng maraming saksak sa katawan ay nakilalang sina Mary Ann Balingit, 25, lugaw vendor ng Mapagmahal St., Tondo at Danilo Tisio, 52, jeepney driver ng Osmeña St., Tondo.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-5 kamakalawa ng hapon nang magtungo ang suspek sa tindahan ni Balingit upang manghingi ng lugaw.

Binigyan naman ng lugaw ni Balingit ang suspek at nanghingi pa ito ng kalamansi subalit hindi kaagad naiabot ng tindera dahil inuna ang ibang kostumer nito na ikinagalit naman ng baliw na suspect.

Kaagad kinuha ni Roque ang kutsilyo sa tindahan ni Balingit saka hinawakan ang vendor sa buhok saka ilang ulit itong pinagsasaksak sa katawan.

Habang papalayo naman ang baliw na suspek ay nakasalubong nito si Tisio na noon ay umiigib ng tubig di kalayuan sa tindahan ni Balingit hanggang sa undayan din ito ng saksak ng suspek.

Namatay ang dalawang biktima habang kinuyog naman ng taumbayan ang suspek at bugbog sarado ito nang abutan ng mga awtoridad.

Napag-alaman ng pulisya na kalalabas pa lamang sa National Center for Mental Health ng suspek at nakulong din ito sa National Bilibid Prison dahil sa kasong murder.(Ulat Rudy Andal)

vuukle comment

BALINGIT

DANILO TISIO

MAPAGMAHAL ST.

MARY ANN BALINGIT

MATA ST.

MENTAL HEALTH

NATIONAL BILIBID PRISON

NATIONAL CENTER

NELSON ROQUE

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with