^

Metro

Pintor tinugis sa panghahalay sa 9-anyos

-
Pinaghahanap ngayon ng mga kagawad ng Western Police District ang isang pintor matapos nitong gahasain ang isang 9-anyos na bata sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang suspect na si Felipe Vidar Jr., 36, residente ng 1858 Oro B. Estrada St., Sta. Ana, Maynila.

Sinabi ng biktimang si Aiza (di-tunay na pangalan), naganap ang panghahalay habang natutulog siya at ang kanyang mga magulang at kapatid na lalaki sa kanilang kama dakong alas-11 ng gabi noong Nobyembre 10.

Nabatid na nagising ang biktima nang halikan ito ng suspect sa kanyang mga labi at nang makita nito ang suspect ay nasa kama rin nila sa pagitan niya at kapatid na si Omar ay tinangka nitong umalis subalit hindi niya nagawang gisingin ang kanyang kapatid.

"Masakit po ang kaselanan ko pero hindi ko po nagawang sumigaw dahil natatakot ako na saktan niya," ani pa ng biktima.

Ngunit dahil sa tindi ng pagnanasa, nahulog sa kama ang suspect at dahil sa kalabog, nagising ang mga magulang ng biktima na nag-akalang ang kanyang kapatid na matanda ang nahulog sa kama subalit natuklasan din na ang suspect ang nahulog sa kama matapos magsalita ang kanyang kuya. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AIZA

CRUZ

ESTRADA ST.

FELIPE VIDAR JR.

KINILALA

MASAKIT

MAYNILA

NABATID

ORO B

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with