^

Metro

2 Iraqi refugees pinigil sa NAIA

-
Dalawang Iraqi refugees na umano’y binansagang "stateless persons" ng France ang pinigilang makapasok ng bansa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa hinalang miyembro ito ng international terrorist group.

Sa ipinadalang ulat kay BI Commissioner Andrea Domingo mula kay Ferdinand Sampol, Immigration head supervisor ng premier airport, ang suspected terrorist member ay nakilalang sina Rene Kashkoul Draxler, 21; at Hurbertus Evert Buijks, 37.

Batay sa imbestigasyon nina BI officer Fortunato Manahan Jr. at Intelligence Officer Rodencio Sarmiento, dakong alas-7:20 kamakalawa ng gabi nang dumating sa bansa sina Draxler at Buijks lulan ng Lufthansa Airline flight LH-744 mula sa Frankfurt, Germany.

Ayon kay Sampol, napuna na kaagad ni IO Ruel Demetria ng Monitoring and Enforcement Unit ang dalawang Iraqi refugees makaraang kahuli-hulihang lumabas ng eroplano na may kahina-hinalang kilos nang pumila para sa clearing process ng BI arrival counter.

Napansin din ng mga awtoridad na nagtataglay ng kuwestiyonableng travel documents sina Draxler at Buijks at hindi marunong magsalita o umunawa ng salitang English.

Sa secondary inspection, kapwa ipinakita ng mga suspected terrorist ang kanilang magkahalintulad na dokumentong mula France at resident card na nagpapatunay na kapwa ito Iraqi refugee at walang sariling bansa na pinagmulan.

Batay sa pahayag nina Draxler at Buijks, kapwa bagong salta sa Pilipinas, mananatili sila sa bansa para magbakasyon ng dalawang linggo ngunit hindi matukoy ng mga ito kung saan sila pansamantalang maninirahan bukod pa sa wala itong kamag-anak o kaibigan at ang napuna pa ng mga awtoridad, parehong walang ‘pocket money’.

Pinaniniwalaan ng BI-NAIA na posible umanong magkanlong sa bansa ang dalawang Iraqi refugees kung saan ay pansamantalang maghihintay ng kanilang asignatura mula sa grupong terorista bago magtungo sa bansang pakay na guluhin. (Ulat ni Butch Quejada)

BATAY

BUIJKS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DALAWANG IRAQI

DRAXLER

FERDINAND SAMPOL

FORTUNATO MANAHAN JR.

HURBERTUS EVERT BUIJKS

INTELLIGENCE OFFICER RODENCIO SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with