Sa Resolution 021400 na ipinalabas ng NAPOLCOM at Civil Service Commission noong Oktubre hinggil sa PNP-Non Uniformed Personnel, aabot sa 116 ang masisibak makaraang ibasura ang mga appointment ng mga ito makaraang lumitaw na hindi sila kuwalipikado at kinokonsiderang de facto employees.
Nakasaad pa sa memorandum ni NAPOLCOM Vice-chairman Rogelio Pureza na kailangang maalis na sa serbisyo ang mga sangkot na empleyado sa loob ng labing- limang araw at kung hindi ang mga susuwelduhin na ng mga ito ay kukunin sa personal account ng kung sinumang kumukuha pa sa kanilang serbisyo.
Namimiligro ding masampahan ng kaso ang mga opisyales na sangkot sa pagtatalaga sa mga hindi kuwalipikadong kawani sa PNP. (Ulat ni Lordeth Bonilla)