Ex-military niratrat, patay

Isang retiradong tauhan ng Phil. Marines ang nasawi makaraang tadtadrin ng bala ng baril ng hindi pa nakikilalang suspect, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Reynaldo Arana, 45, ng Orchid St., Barangay Central ng nabanggit na lungsod.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO1 Ramon Fernandez, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Papauwi na umano noon ang nasawi ng biglang sumulpot ang hindi nakikilalang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Sampung tama ng bala ng baril ang tinamo ni Arana na nagsanhi sa agaran niyang pagkamatay.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments