^

Metro

'Buhos-gaas' vs vendors, tuloy na

-
Paiiralin na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani F. Fernando ang banta nitong pagbubuhos ng gaas sa mga paninda ng mga sidewalks vendors.

Ayon kay Fernando tapos na ang kanilang ibinigay na ultimatum sa mga matitigas ang ulo na tindero matapos na rumihistro ang napakaraming insidente ng karahasan habang nagsasagawa ng cleaning at clearing operations ang mga tauhan ng ahensiya.

Ikinagalit lalo ng nasabing opisyal ang pagiging bayolente ng mga vendors na napapaalis sa maling puwesto ng pagtitinda upang malagay sa balag ng alanganin ang mga kawani at operatiba na tumutupad lamang sa implementasyon ng batas.

Magugunita na nauna rito, isang kagawad ng pulisya na nagbibigay ng assistance ang binunutan at inumangan ng baril ng isang vendor hanggang sa magkaroon ng pagpapalitan ng putok sa pagitan ng dalawa na ikinasawi ng huli.

Ikalawang insidente ay ang naganap na pagpapaulan ng bato at bote sa mga kawani ng MMDA na ikinasugat sa mukha ng isa sa mga ito. Ang pambabato ay gawa ng mga illegal vendor sa Baclaran, Parañaque.

Dahil dito, napadali ang pagdedesisyon ni Fernando na ituloy ang naunang balak na pagbubuhos ng gasolina sa mga paninda na nasa sidewalk.

Sa ganitong paraan maiiwasan umano ang komprontasyon sa magkabilang panig.

Napapaloob sa kautusan na iispreyan na lamang ng gasolina ng mga operatives ang mga paninda tapos aalis na sila .

"Walang magaganap na hilahan at habulan sa mga paninda," dagdag pa ni Fernando.

Ang isyu sa sidewalk vendors ay na-revive matapos na mag-martsa sa harap ng MMDA headquarters sa Makati City ang mga protesters para ihayag ang kanilang hinaing laban kay Fernando.

Ang martsa ay pinangunahan ni Fr. Robert Reyes at ang Metro Manila Vendors Association.

Bagamat nakipag-usap sa kanila si Fernando, tahasang sinabi nito sa mga vendors na hindi niya sila mapapagbigyan kahit pa sabihing ngayon lamang holiday season. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BACLARAN

CHAIRMAN BAYANI F

FERNANDO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

METRO MANILA VENDORS ASSOCIATION

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROBERT REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with