Jeepney holdap, 1 patay, 4 sugatan
November 11, 2002 | 12:00am
Isa katao ang nasawi at apat ang sugatan makaraang holdapin ng limang hindi nakilalang armadong Bagets Gang ang isang pampasaherong jeep sa harap ng Uniwide Sales Supermarket, Zapote Alabang Road, Pamplona Las Piñas kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Armando Pineda, hepe ng Las Piñas police ang nasawi na si Shirley Abac, 21, may asawa ng General Trias Cavite.
Ang mga sugatan naman ay sina Leonito Delos Santos, 62, driver, may-asawat residente ng No. 257-E Tito Avenue San Nicolas II, Bacoor Cavite at mga pasahero na sina Monnel Gordovez, 30, ng Block 9, Lot 9, Crowsy Park Subdivision, Bacoor Cavite, Charlie Makcensie, binata, janitor, ng nasabing subdibisyon at Mervin Abac, 23, empleado, residente ng Phase II B-2 L-4 Grand River Side Pasong Camachili, General Trias, Cavite.
Samantala, tumakas ang mga holdapers tangay ang mga nakulimbat na pera, alahas, cellphone at mahahalagang gamit ng mga pasahero.
Base sa isinagawang imbestigasyon nina PO2 Roland B. Abraham at PO2 Teoson M. Rosarito ng Las Piñas Police Station, dakong alas-4:45 kahapon ng madaling araw nang maganap ang holdapan sa loob ng jeep na may plakang DHB-136 na minamaneho ni Delos Santos patungong Zapote-Alabang.
Nagkaroon ng komosyon matapos na makipag-agawan sa baril ang isang pasahero dahilan upang magpaputok ang mga holdaper at tamaan ang lima katao at isa dito ang napuruhan at nasawi na si Shirley. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended