^

Metro

Bentahan ng 'laman' talamak sa CAMANAVA

-
Patuloy sa paglaganap ang mga illegal vices sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area partikular ang sugalan at bentahan ng laman dahil sa umano’y ilang protektor nito ay tauhan ng pulisya.

Sa nakalap na impormasyon, lumulutang ang mga pangalan nina Lucy Santos, Danny Kamote, Ely Mango, Aging Lisan, Rod Malaya at Rey Recto na siyang financier ng iba’t ibang klaseng illegal na sugal.

Diumano, ilang tiwaling tauhan ng Northern Police District Office (NPDO) ang nagiging protektor ng mga ito kapalit ng ‘‘grease money’’ na kanilang natatanggap mula sa mga nabanggit na gambling lord.

Nakakapagtaka rin na hindi man lang ito pinag-uukulan ng atensiyon ni NPDO Director Sr. Supt. Marcelino Franco, Jr. na supilin ang ganitong klaseng illegalidad sa kanyang nasasakupan.

Base pa sa impormante, maging sa ilang kalsada sa Malabon ay ginagawang puwesto ng mga tauhan ng ‘‘sakla’’ na animo’y hindi man lamang natatakot na mahuli ng mga awtoridad.

Sa larangan naman ng putahan, kalat din sa CAMANAVA area ang mga bahay aliwan na nagpapalabas ng malalaswa at maging ang bentahan ng panandaliang aliw ay lantaran na rin.

Sinabi pa ng source, kapansin-pansin din ang pagdalaw ng ilang pulis na umano’y kumukuha ng ‘‘weekly dews’’ sa operator ng mga bahay aliwan kapalit ng hindi paghuli sa kababuyan ng mga ito.

Kaugnay nito, hiniling naman ng mga residente sa apat na chief of police ng CAMANAVA na gawan ng aksiyon ang matagal ng sakit ng kanilang lugar na nakakaperwisyo sa utak ng mga nalululong dito. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

AGING LISAN

DANNY KAMOTE

DIRECTOR SR. SUPT

ELY MANGO

LUCY SANTOS

MARCELINO FRANCO

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

REY RECTO

ROD MALAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with