Mayor Atienza, PNP officials inisnab ang anibersaryo ng WPD
November 10, 2002 | 12:00am
Inisnab nina Manila Mayor Lito Atienza at PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. ang presentasyon ng mga nagawa ng pamunuan ng WPD sa pagdiriwang ng ika-100 araw nang pamumuno ni Senior Supt. Pedro Bulaong.
Bukod sa dalawa, hindi rin nakarating si NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco at sa halip ang kinatawan nito na si Chief Supt. Nicolas Pasinos Jr. ang siyang dumating.
Nagsimula ang presentasyon dakong alas-8 ng gabi sa WPD headquarters dahil na rin sa kahihintay sa mga special guests na hindi naman nag-apir.
Sa kanyang presentasyon, sinabi ni Bulaong na may kabuuang 1,007 kaso ang kanilang nalutas sa kabuuang 1,058 na krimeng naganap mula noong buwan ng Hulyo.
Nadoble pa ang malas sa isinagawang presentasyon nang biglang mawalan ng kuryente kayat ipinasya na lamang ni Bulaong na tapusin na ang pagdiriwang.
Bunga nang pag-isnab ng mga matataas na opisyal ng PNP sa naturang okasyon, umugong ang haka-haka na sadyang hindi malapit sa mga PMAer na opisyal sa antigong pulis ng WPD. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended