VCD nina Sunshine at Jay parang 'hotcakes' ang bentahan sa Greenhills
November 9, 2002 | 12:00am
Talamak ang lihim na bentahan ng piniratang unedited VCD tapes ng "Dukot Queen" ni Sunshine Cruz at Jay Manalo sa Greenhills Shopping Center sa San Juan, Metro Manila.
Itoy sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Videogram and Regulatory Board (VRB) laban sa naglipanang pirated VCDs sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Nauna nang iprinotesta ni Cesar Montano, asawa ng sexy actress ang nagkalat na VCDs ng nabanggit na pelikula kayat binili niya ng malaking halaga ang rights sa producer nito para di na kumalat pa ang unedited version ng nasabing sexy movie.
Ayon sa ilang sources, mistulang hotcakes ang bentahan ng hindi na-edit na VCD tapes kung saan topseller umano ito sa naturang shopping centers.
Pabulong o palihim lamang ang ginagawa ngayong bentahan dahil na rin sa mga isinasagawang raid ng VRB. Tinatayang 50 hanggang 150 kopya ang naibebenta ng mga tiwaling vendors kada araw sa kabila na hindi na ito idinidisplay sa kanilang mga stalls. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest