^

Metro

2 dinukot ng Tsinoy kakasuhan pa ng WPD

-
Posibleng sampahan ng kasong kriminal ng pamunuan ng WPD ang dalawang trader na Tsinoy na nagdadawit sa 8 pulis-Maynila na umano’y dumukot at humingi sa kanila ng P3 milyong ransom.

Ayon kay WPD Spokesman Chief Inspector Gerry Agunod, malaki ang posibilidad na magsampa sila ng kaso laban sa mga negosyanteng sina Jimmy Ong at Kelvin Kho na nauna nang napaulat na dinukot umano nina SPO4 Rodolfo Rival; SPO2 Dematera; SPO2 Teodoro Retuta; SPO2 Leonardo Santos; PO3 Robert Sena at PO3 Rommel Baylon sa Binondo, Maynila.

Binanggit ni Agunod na bibigyan nila ng isang linggo ang dalawang complainant para pormal na magharap ng reklamo laban sa mga binabanggit nilang mga pulis na kumidnap sa kanila kung hindi sila ang bubuwelta at magkakaso sa mga ito.

"Mahirap namang idawit ang pangalan ng mga pulis, pero ayaw namang magsampa ng kaso, paano naman malalaman kung totoo ang ganitong mga paratang," pahayag pa ni Agunod. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AGUNOD

JIMMY ONG

KELVIN KHO

LEONARDO SANTOS

MAYNILA

ROBERT SENA

RODOLFO RIVAL

ROMMEL BAYLON

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR GERRY AGUNOD

TEODORO RETUTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with