Drug queen timbog sa QC

Naaresto kahapon ng mga tauhan ng CPD Drug Enforcement Unit ang tinaguriang ‘drug queen’ sa Quezon City matapos ang may isang buwang surveillance.

Si Elizabeth Dimacali, 45, biyuda ng Guerrero St., San Francisco del Monte ng nabanggit na lungsod ay matagal na umanong minomonitor ng mga awtoridad tungkol sa ilegal na operasyon nito.

Bukod kay Dimacali, dinakip din ang live-in-partner nito na si Allan Sarmiento, 39, sa isinagawang buy-bust operation.

Nasamsam sa mga ito ang apat na sachet ng shabu.

Sinabi naman ni Dimacali na matagal na umano siyang tumigil sa pagtutulak ng droga kaya planted ang lahat ng nakuhang paraphernalia sa kanya.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang nadakip na mag-live-in. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments