^

Metro

Negosyante todas sa carnappers

-
Isang negosyante ang binaril at napatay ng dalawang hinihinalang karnaper na kanyang pinalagan nang tangkain ng mga ito na agawin ang sasakyan ng una sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Tala Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril na tinamo sa ibabang bahagi ng kaliwang mata at dibdib ang biktimang si Manuel Luis Furio, 41, may-asawa ng Block 10 Lot 21 Phase 1, dela Costa Homes III, San Jose del Monte, Bulacan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspect na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa kahabaan ng Quirino Hi-way, Malaria, Caloocan City.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang Toyota Revo na may plakang WKH -721 na ginagawa nitong pampasada nang sumakay sa kanya ang dalawang suspect na umupo sa harap katabi ng biktima.

Pagdating sa nasabing lugar ay pilit na inagaw ng mga suspect ang manibela sa biktima. Nanlaban naman si Furio kaya siya binaril ng mga salarin.

Ayon pa sa mga saksi, matapos na humandusay si Furio ay nakita nilang ibinaba ito ng sasakyan ng mga suspect at saka pinatakbo ang sasakyan ng nasawi at tumakas patungong Jose del Monte, Bulacan. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BULACAN

CALOOCAN CITY

COSTA HOMES

FURIO

MANUEL LUIS FURIO

QUIRINO HI

ROSE TAMAYO

SAN JOSE

TALA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with