^

Metro

3 sentimong pagbaba sa gasolina ngayong Nobyembre

-
Inihayag kahapon ni Oil Price Watch Chairman Raul Concepcion na bababa ng tatlong sentimo ang average price ng gasolina sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Ito, ayon pa kay Concepcion ay bunsod sa magaganap na Christmas price reduction na palagiang nagaganap taun-taon sa World Market.

Niliwanag din ni Concepcion na higit pang pagbaba sa halaga ng gasolina ang maaaring maganap sa bansa sakaling pumayapa ang kaguluhan sa Iraq.

Samantala, minaliit lamang ng transport groups ang balitang ito ni Concepcion, kasabay nang pagsasabing hanggat hindi nila nakikitang bumababa ang presyo ng gasolina ay wala silang pagpapasalamat na gagawin sa balitang ito.

Ayon kay PISTON President Medardo Roda na sa katunayan, dapat ay magpatuloy ang pagbaba ng presyo ng gasolina dahil sa hindi naman masyadong kamahalaan ang presyo nito sa World Market kung ikukumpara sa mga pagtataas ng presyo na ginagawa ng mga oil companies sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CONCEPCION

CRUZ

INIHAYAG

NILIWANAG

OIL PRICE WATCH CHAIRMAN RAUL CONCEPCION

PRESIDENT MEDARDO RODA

WORLD MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with