Reporters itinaboy ng 'tsimay' ng Pasig mayor
November 7, 2002 | 12:00am
Nagwalk-out ang grupo ng mga mamamahayag sa Eastern Police District (EPD) matapos bastusin at ipagtabuyan ng isang staff ni Pasig City Mayor Soledad Eusebio sa ginanap na turn-over ceremony ng chief of police sa nabanggit na lungsod.
"Hindi kayo puwede diyan, limited ang capacity, baka magkulang ang pagkain," tila nang-iinsultong pahayag ni Ms. Lolet Austria matapos na harangin ang mga inimbitang mediamen sa reception area ng Pasig City Convention Center na magsasagawa sana ng interview sa mga opisyal sa lungsod dakong alas-11 ng umaga.
Dumalo sa pagtitipon ang mga mamamahayag para sa ginanap na turn-over ceremony ng dating Pasig City chief of police na si Senior Supt. John Sosito na isinalin na kay Senior Supt. Ernesto Catunggal, dating deputy chief for operations ng NCRPO.
"May araw kaming itinakda para sa inyo, tatawagan na lang namin kayo, huwag ngayon, bawal kayo sa reception area," pagtataboy pa ni Austria sa mga reporter.
Ayon kay Joel dela Torre ng Peoples Journal na hinawakan pa sa braso at hinilang palabas ng nasabing staff ni Mayor Eusebio na hindi naman sila kakain kundi mag-iinterview sila ng mga opisyal na dumalo sa nasabing pagtitipon.
"Ginawa niya kaming mga tanga, para kaming pulubi kung itaboy niya, paano na kung ordinaryong sibilyan ang lumapit sa mayor niya at humingi ng tulong baka tadyakan pa niya ", dagdag pa ni dela Torre.
Nabatid na si Austria ang tumatayong Little Mayor ng Pasig City at madalas na makabangga ng mga bisita ng mayor.
Hindi lang umano mga reporter ang binastos niya ng ganito, kundi maging matataas na opisyal ng pulisya na pag tutungo sa tanggapan ng mayor ay agad nitong sisitahin at sasabihang, "sandali lang titingnan ko kung nasa listahan kayo ng bisita ngayon." (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am