^

Metro

Goto, humburger maaaring pagmulan ng goiter

-
Mahilig ka ba sa goto, o sa hamburger kaya? Puwes, dapat pala ay hinay-hinay sa pagkain ng mga ito dahil ito ay pinagsisimulan ng toxic goiter o ang paglaki ng thyroid glands.

Ayon kay Dr. Allyn Sy, endocrinologist sa Cardinal Santos Hospitals sa Greenhills sa San Juan na bukod sa idudulot na iodine deficiency, ang madalas na pagkain ng goto (internal organ ng cattle) o hamburger ay posibleng pagsimulan ng toxic goiter.

"Ang thyroid hormones ng baka ay isang mabisang daan sa paglilipat ng sakit buhat sa hayop patungo sa tao", dagdag pa nito sa isinagawang weekly College of Physicians Health forum sa Annabels restaurant sa Quezon City.

Idinagdag pa nito na ilang food chains partikular na sa sidewalks ang inihahalo ang lamang-loob ng baka sa kanilang itinitindang goto bukod pa dito ang ilang bahagi sa leeg na nagtataglay ng mataas na thyroid hormones.

"Ginagawa nilang booster sa goto yung mga baka", dagdag pa nito.

Sa ibang paraan ang thyroid ng baka ay inihahalo sa mga hamburger patties, kaya ang epekto nito sa taong palakain ng goto ay iisa.

Ang goiter na laganap sa mga bulubundukin at coastal areas sa bansa ay sanhi ng deficiency o overdose sa iodine sa mga residente sa naturang lugar. (Ulat ni Perseus Echeminada)

ANNABELS

AYON

CARDINAL SANTOS HOSPITALS

COLLEGE OF PHYSICIANS HEALTH

DR. ALLYN SY

GINAGAWA

GREENHILLS

PERSEUS ECHEMINADA

QUEZON CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with