^

Metro

Mag-ina grabe sa nabokyang akyat-bahay

-
Kritikal ngayon ang buhay ng isang ginang at 3-taong gulang na anak nito matapos pagsasaksakin ng tinedyer na magnanakaw na nagalit matapos na walang matangay na pera o alahas nang pasukin nito ang bahay ng biktima, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Nilalapatan ng lunas sa loob ng Pasig City General Hospital ngayon ang mag-inang sina Virginia Salvador, 29, na nagtamo ng tatlong saksak sa katawan at anak niyang si Ginalyn, kapwa residente ng Nagpayong 2, Barangay Pinagbuhatan ng naturang lunsod.

Nakakulong naman ngayon sa Pasig detention cell ang suspek na si Reynaldo Masong, 16 anyos, residente ng Phase 7 Pinalad Homeowners, Nagpayong 2 ng naturang barangay.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na pinasok ng naturang magnanakaw ang bahay ng mga biktima dakong alas-5 ng hapon kung saan nasa kasarapan ng pagtulog ang mag-ina.

Nakapasok umano ang suspek sa pamamagitan ng pagbasag sa salaming bintana ng bahay. Agad na hinalughog nito ang aparador at mga kagamitan ngunit nabigong makakita ng pera o alahas na matatangay.

Dito naman nagising ang batang si Ginalyn na nag-umpisang umiyak kaya agad itong sinaksak sa tagiliran ng suspek. Nagising din naman ang ina nito na agad namang pinag-undayan din ni Masong.

Nabulabog naman ang mga residente sa pagsigaw ng saklolo ni Salvador kung saan nakubkob ng mga kapitbahay at tanod si Masong na nagtangkang tumakas bitbit ang martilyo at patalim na ginamit sa krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY PINAGBUHATAN

DANILO GARCIA

GINALYN

MASONG

NAGPAYONG

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PINALAD HOMEOWNERS

REYNALDO MASONG

VIRGINIA SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with