WPD nasa 'hot water' sa pag-torture sa Balintawak bomber
November 2, 2002 | 12:00am
Iimbestigahan ng Central Police District ang umanoy pagpapahirap ng ilang pulis-WPD kay Jerry Minalang, ang sinasabing suspek sa pagpapasabog sa Golden Highway transit bus noong Oktubre 18 sa Balintawak, Quezon City matapos itong magtamo ng pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay CPD director Sr. Supt. Napoleon Castro, inatasan siya ni NCRPO chief Deputy Director Gen. Reynaldo Velasco upang siyasatin ang mga umanoy ginawang pagpapahirap kay Minalang upang aminin ang umanoy pambobomba sa naturang bus na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 20 iba pa.
Sinabi ni Castro na dinala sa kanila ng WPD si Minalang na puno ng galos at sugat ang katawan matapos sumailalim sa tactical interrogation makaraang ituro ng umanoy asset na responsable sa pagpapasabog sa nasabing bus.
Si Minalang na umanoy dating MILF commander ay inaresto ng WPD noong nakaraang linggo sa kanyang pinagtataguan sa Libis, QC, at isinailalim sa interogasyon ng walang abogado. Siya rin ang itinuturong magpapasabog sa Libis, Fairview at Commonwealth.
Kasalukuyan din nilang sinisiyasat na si Minalang ay "fall guy" upang makuha ang P1 milyon reward mula sa isang concerned citizen.
Napag-alaman naman kay Chief Insp. Bart Bustamante na kinukumpirma pa nila kung si Minalang ay iisang tao na taga-Sultan Kudarat.
Aminado si Bustamante na maraming butas ang mga salaysay ni Minalang na siya ay isang dating MILF commander sa loob ng 15 araw at mayroon itong tatak ng Batang City Jail (BCJ) sa kamay.
Bagamat nahulihan ng isang .38 caliber, sinabi ni Bustamante na si Minalang ay hindi marunong gumawa ng bomba tulad na rin ng kakayahan ng isang ordinaryong miyembro ng MILF.
Sa kabila nito, sinabi pa ni Castro na kailangan nila ang isa hanggang dalawang saksi upang magpalakas ng kaso laban kay Minalang. Isang construction worker pa lamang ang nagturo kay Minalang na nakita niya itong bumaba ng Golden Highway transit bus bago sumabog.
Kung mabibigo ang mga saksi na ituro si Minalang, wala silang magagawa kundi palayain ito dahil posible silang kasuhan ng arbitrary detention. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended