Sinabi ni Dr. Efren Nuestro, hepe ng NMIC ng Department of Agriculture na dapat kilatising mabuti at tiyakin ng mga mamimili na hindi mabaho, walang namumuong dugo at hindi malagkit ang bibilhing karne ng baboy sa palengke upang makaiwas sa FMD.
Binanggit pa nito, na may 40 tonelada ng karne ng baboy na nakapaloob sa dalawang container van mula sa mainland China ang walang permit at hindi dumaan sa pagkilatis ng tanggapan ang maaaring maipuslit sa bansa.
Idinagdag pa nito na talamak ang sakit na FMD sa mga karneng baboy sa mainland China kayat hindi ito pinapayagan na makapasok sa bansa.
Upang makaiwas sa FMD, pinayuhan ni Nuestro ang mga mamimili na ugaliing kilatising mabuti ang bibilhing karne sa mga palengke at i-prioritize ang pagbili ng mga lokal na produktong karne. (Ulat ni Angie dela Cruz)