^

Metro

Mamimili pinag-iingat sa FMD

-
Nanawagan kahapon ang pamunuan ng National Meat Inspection Commission (NMIC) sa publiko na mag-ingat hinggil sa mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan na nagtataglay ng sakit na Foot and Mouth Disease (FMD).

Sinabi ni Dr. Efren Nuestro, hepe ng NMIC ng Department of Agriculture na dapat kilatising mabuti at tiyakin ng mga mamimili na hindi mabaho, walang namumuong dugo at hindi malagkit ang bibilhing karne ng baboy sa palengke upang makaiwas sa FMD.

Binanggit pa nito, na may 40 tonelada ng karne ng baboy na nakapaloob sa dalawang container van mula sa mainland China ang walang permit at hindi dumaan sa pagkilatis ng tanggapan ang maaaring maipuslit sa bansa.

Idinagdag pa nito na talamak ang sakit na FMD sa mga karneng baboy sa mainland China kaya’t hindi ito pinapayagan na makapasok sa bansa.

Upang makaiwas sa FMD, pinayuhan ni Nuestro ang mga mamimili na ugaliing kilatising mabuti ang bibilhing karne sa mga palengke at i-prioritize ang pagbili ng mga lokal na produktong karne. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BINANGGIT

CRUZ

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DR. EFREN NUESTRO

FOOT AND MOUTH DISEASE

IDINAGDAG

NANAWAGAN

NATIONAL MEAT INSPECTION COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with