^

Metro

Bebot na natagpuang patay sa MRT kilala na

-
Kinilala kahapon ng pulisya na isa palang crew ng Jollibee food chain ang babae na hinihinalang biktima ng rape-slay na natagpuan sa tabi ng elevator ng substation ng Metro Rail Transit (MRT) sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City noong Biyernes ng umaga.

Sa report na natanggap ni Supt. Jose Ramon Salido, chief ng Station Investigation Division ng Makati City PNP, ang biktima ay nakilalang si Melba Espalado, 20, dalaga, crew ng Jollibee food chain sa sangay nito sa Reposo St., Brgy. Poblacion at residente ng Villamor Air Base, Pasay City.

Si Espalado ay kinilala ng kasintahan nitong si Anthony Abaroa, 20, binata, crew ng Jollibee Global City branch sa Fort Bonifacio at residente ng San Jose St., Brgy. Guadalupe Nuevo.

Nabatid na ang biktima ay galing sa bahay ng kanyang kasintahan at bukod sa teoryang ito ay ginahasa, posibleng hinoldap muna ito bago sinaksak.

Nakatakdang isailalim sa imbestigasyon ng pulisya ang ilang guwardiya at kawani ng MRT na naka-duty ng oras na matagpuan ang bangkay ni Espalado dakong alas-5:26 ng umaga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTHONY ABAROA

BRGY

FORT BONIFACIO

GUADALUPE NUEVO

GUADALUPE VIEJO

JOLLIBEE

JOLLIBEE GLOBAL CITY

JOSE RAMON SALIDO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MELBA ESPALADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with