Kelot na may 'sayad' tumalon sa overpass, buhay!
October 27, 2002 | 12:00am
Isang lalaki na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip ang himalang nabuhay nang tumalon sa isang overpass matapos nitong i-hostage ang sarili kahapon ng hapon sa Quezon City.
Nilalapatan ng lunas sa Quirino Labor Hospital sanhi ng tinamong pagkabali ng buto dulot ng pagbagsak ay nakilalang si Danilo Oliva alyas Gani ng 558 EDSA, Cubao, Q.C.
Sa report ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang makita ang biktima na nasa itaas ng overpass sa may P. Tuazon sa tapat ng Samson School sa Cubao.
May tangan na icepick at basag na bote ang biktima na itinutok sa kanyang leeg at nagtatangkang tumalon.
Mabilis na rumesponde ang pulisya subalit nabigo itong mapigilan dahil na rin sa hinihiling nitong makita si Senador Noli de Castro.
Kayat nag-isip ng paraan si Supt. Rosendo Franco, hepe ng Station 7 at dalawang pampasaherong bus ang pinagtabi nito sa gitna ng kalsada kayat nasalo ang biktima nang ito ay tumalon. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended