^

Metro

Basurero pisak sa garbage truck

-
Halos hindi na makilala ang mukha ng isang kolektor ng basura makaraang aksidenteng masagasaan ng kanilang truck na pinaandar ng isa niyang kasamahan, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Patay na nang idating sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Benjie Amper, 40, ng Malanday, Valenzuela City.

Agad namang naaresto ng pulisya ang nakasagasa na si Marlon Villegas, 24, ng nasabi ring lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5 ng madaling araw ng maganap ang nasabing insidente sa tambakan ng basura sa Rubber Master Road, Lingunan ng nasabing lungsod.

Nabatid na katatapos lamang magdala nina Amper ng basura sa nasabing tambakan.

Dahil sa pagod pansamantalang nagpahinga si Amper at umupo sa di kalayuan.

Samantala, pinakialaman umano ni Villegas ang manibela ng truck kahit hindi ito marunong magmaneho dahilan upang bigla itong umandar at nagtuluy-tuloy sa kinauupuan ng biktima. (Ulat ni Jhay Quejada)

vuukle comment

BATAY

BENJIE AMPER

DAHIL

JHAY QUEJADA

LINGUNAN

MALANDAY

MARLON VILLEGAS

NABATID

RUBBER MASTER ROAD

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with