'Bomba' tinanggihang amuyin ng K-9 dogs
October 26, 2002 | 12:00am
Isang kakaibang 'bomba' ang natagpuan ng mga elemento ng San Juan Police kung saan maging ang mga K-9 dog ay umalma at tumangging amuyin ito.
Ang dahilan hindi tunay na bomba ang laman ng kulay itim na supot kundi "human bomb" o dumi ng tao.
Napag-alaman na pasado ala-1 ng hapon nang matagpuan ang nasabing plastic bag sa loob ng SSS building sa Blumentritt St., San Juan sa loob ng CR ng mga lalake.
Agad namang nagtungo doon ang SWAT team at inilabas ang naturang kulay itim na bag.
Inilapit dito ang bomb sniffing dog gayunman, tumanggi ang aso na amuyin ito, ni lapitan ay tumatanggi ito.
Dahilan sa kakaibang ikinilos ng K-9 dog kaya napilitan ang mga awtoridad na butasin ang plastic bag para malaman kung ano ang laman. Pagkatapos nitoy kakaibang "boom" ang bumulaga sa kanila dahil sa tuluyang pagsingaw ng mabahong amoy.
Nabatid na ang laman ng supot ay dumi ng tao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am