Gang war: 1patay, 2 sugatan
October 25, 2002 | 12:00am
Isa ang nasawi, habang dalawa katao ang malubhang nasugatan makaraang sumiklab ang gang war sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Martinez General Hospital ang biktimang si Jaypee Rocha, ng Kaunlaran Village, Caloocan City. Wasak ang dibdib ng biktima makaraang tamaan ng shotgun.
Nakilala naman ang mga sugatan na sina Oscar Rocha, 19, kapatid ng nasawi at ang kaibigan nilang si Rogelio David, 43.
Ayon sa imbestigasyon sumiklab ang labanan makaraang mapadayo ang grupo ng mga biktima sa Area 1 Sawata, Dagat-dagatan sa Caloocan sa balwarte ng kanilang kalabang grupo. Papasyalan sana ng mga ito ang isa nilang kaibigan.
Minalas ang tatlo nang salubungin sila ng grupo ng mga suspect na armado ng shotgun at mga dos por dos.
Hindi na nakaatras pa ang tatlo hanggang sa masagupa ang grupo.
Unang bumulagta si Jaypee ng barilin ito ng shotgun ng isa sa mga suspect.
Matapos ang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan habang isinasagawa ang operasyon laban sa mga ito. (Ulat ni Jhay Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest