^

Metro

Bus operators malamang malugi, mga pasahero takot nang sumakay

-
Matinding phobia ang umiiral ngayon sa isipan ng mga pasahero kung kaya’t nag-aalangan na silang sumakay sa bus matapos ang naganap na pagpapasabog sa Golden Highway Transit na kumitil ng dalawang buhay at nakasugat pa sa marami, noong isang linggo.

Kasabay nito, inamin ng mga bus operators na malaki ang nawala sa kanilang kita sa nakalipas na isang Linggo kung saan kapansin-pansin na hindi napupuno ang biyahe ng mga bus sa Metro Manila kumpara noong hindi pa nagaganap ang pambobomba.

Bagamat hindi tinukoy ni Claire dela Fuente ng Integrated Metro Bus Operators Association (MBOA) ang eksaktong porsiyento na nawala sa kanilang arawang kita, binanggit nito na kung magpapatuloy ang ganitong takot sa isip ng mga pasahero ay malamang na tuluyan na silang malugi sa negosyo.

Sa ilang hindi maiiwasang sumakay ng mga bus kapansin-pansin ang takot na namumutawi sa isip ng mga ito. Mangilan-ngilan lang ang nagnanais na umupo sa likuran, karamihan ay duda sa bawat kasakay niyang pasahero sa bus lalo na nga umano kung may dalang mga bagahe at may kaduda-dudang kilos.

Bunga nito umapela ang MBOA sa mga kanilang mga pasahero na walang dapat na ikatakot dahil sa regular umano ang kanilang isinasagawang monitoring. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGAMAT

BUNGA

BUS

FUENTE

GOLDEN HIGHWAY TRANSIT

INTEGRATED METRO BUS OPERATORS ASSOCIATION

JOY CANTOS

KASABAY

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with