^

Metro

Paghihiganti, motibo sa OMA officer ambush

-
Paghihiganti ang nakikitang motibo sa pagpaslang sa isa na namang opisyal ng Office of Muslim Affairs (OMA) habang sakay ng kanyang kotse kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ito umano ang inamin ng isa sa apat na suspect na nakilalang si Anding Adas, 29, makaraang madakip bunga ng pagpatay kay Nasser Baharan, 44, at finance officer ng OMA.

Ayon kay Adas, si Baharan ang umano’y utak sa tangkang pagpaslang sa kanya kamakailan. Ito rin umano ang utak sa pagpatay sa isa pang opisyal ng OMA na si Khakis Mikhunug, Deputy Executive Director ng OMA na binaril at napatay noong Setyembre 19 sa E. Rodriguez, Quezon City.

Subalit ayon sa pulisya hindi pa rin nila iniaalis ang anggulo na napag-utusan lamang si Adas ng isang mataas na tao upang likidahin ang isa pang opisyal ng OMA at napagkamalan ng mga ito si Baharan na noon ay sakay sa isang kulay pulang Nissan Sentra. (Ulat ni Doris Franche)

ADAS

ANDING ADAS

BAHARAN

DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR

DORIS FRANCHE

KHAKIS MIKHUNUG

NASSER BAHARAN

NISSAN SENTRA

OFFICE OF MUSLIM AFFAIRS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with