^

Metro

Bomb scare uli sa MM

-
Daang empleyado at mga sibilyan sa Quezon City Hall ang nag-panic kahapon matapos na dalawang ulit umanong makatanggap ng bomb threat ang telephone operator nito, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Elmo San Diego, hepe ng CPD City Hall Detachment, unang nakatanggap ng bomb threat ang City Hall dakong alas-12:05 ng tanghali mula sa isang hindi nagpakilalang lalaki.

May nakatanim umanong bomba sa Mayor’s Office at City Engineer’s Office at ito’y sasabog anumang oras.

Makalipas ang limang minuto, muling tumawag ang caller at sinabing malapit nang matapos ang oras ng bomba at sasambulat ang buong gusali na ikinaalarma naman ng taong naroroon.

Subalit nang ginalugad ng mga tauhan ng CPD at Special Weapons and Tactics team ang bawat palapag, wala namang nakuhang anumang uri ng bomba sa gusali.

Nanawagan naman si QC Mayor Feliciano Belmonte sa mga "prank caller" na tigilan na ang panloloko dahil maraming inosenteng sibilyan ang nadadamay.

Tinarget na rin ng bomb scare ang isang eskuwelahan sa Navotas.

Dahil dito, agad na iniutos ni Navotas Mayor Tobby Tiangco ang pagsuspinde sa klase sa San Jose Academy sa naturang lungsod matapos na magkagulo ang mga guro at mga estudyante makaraang matanggap ang bomb threat.

Samantala, nagpanic din ang mga empleyado sa Pasig RTC makaraang makatanggap din ng ganitong uri ng bomb threat.

Dahil dito, nabulabog ang isinasagawang paglilitis ng ilang kaso na nakasalang sa Pasig City Hall of Justice.

Dakong alas-11:40 ng umaga nang matanggap ang naturang tawag buhat sa hindi nagpakilalang caller.

Mabilis namang nagresponde ang mga elemento ng pulisya subalit walang nakuhang anumang uri ng bomba. (Ulat nina Doris Franche, Rose Tamayo at Joy Cantos)

CITY ENGINEER

CITY HALL

CITY HALL DETACHMENT

DAHIL

DORIS FRANCHE

ELMO SAN DIEGO

JOY CANTOS

MAYOR FELICIANO BELMONTE

NAVOTAS MAYOR TOBBY TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with