^

Metro

No. 1 most wanted ng Marikina Patay sa shootout

-
Nabaril at napatay ng mga tauhan ng Marikina City Police ang pinaniniwalaang Marikina’s No. 1 Most Wanted matapos itong makipagpalitan ng putok kamakalawa ng umaga sa Sitio Dulangan, Barangay Gulod, San Mateo, Rizal.

Sa report na tinanggap ni PNP-NCR Deputy Gen. Reynaldo Velasco, dakong alas-10 ng umaga ng makasagupa ng mga pulis si Wilfredo Loilo, alyas Boy Bicol, at kasama nitong si Carlos dela Cruz, 38. Si dela Cruz ang ikawalo sa watchlist ng mga nagsasagawa ng operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa lungsod.

Nabatid na may nakabinbing warrant of arrest si Loilo na ipinalabas ni Marikina City Regional Trial Court Judge Alice Gutierrez dahil sa kasong illegal drugs at assault laban sa isang opisyal ng PNP.

Nakuha mula kay Loilo ang dalawang hand grenades; rifle grenade; ammunition ng armalite rifle; .9 mm caliber pistol; 12-guage shotgun; 357 caliber revolver; 45 caliber pistol; 30 caliber; drug paraphernalia at dalawang motorcycle.

Dahil dito, sinabi ni Velasco na walang nakaliligtas sa ‘‘magic eye’’ ng PNP dahil bilang na umano ang mga araw ng mga kilabot na grupo at isa-isa na itong maaaresto ng pulisya. (Ulat ni Doris Franche)

BARANGAY GULOD

BOY BICOL

CRUZ

DEPUTY GEN

DORIS FRANCHE

LOILO

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE ALICE GUTIERREZ

MOST WANTED

REYNALDO VELASCO

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with