^

Metro

Kuya tinodas ni utol

-
"Wala kang utang na loob, pati si nanay pinalalayas mo!"

Ito umano ang sigaw ng isang 29-anyos na binata habang sinasaksak ang kanyang kuya kamakalawa ng gabi sa Malabon.

Namatay noon din sanhi ng tatlong saksak sa sikmura ang biktimang si Rolando Zamora, 34, ng Daang Bakal St., Brgy. Tenejeros, Malabon, habang kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspect na si Joey.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mga ito.

Nabatid na kinompronta ng suspect ang biktima dahil pinalalayas umano sa bahay ng huli ang kanilang ina.

Nasa kainitan ng pagtatalo ang magkapatid nang biglang pumasok sa kusina si Joey at nang lumabas ay may hawak na itong patalim at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang kanyang kuya.

Mabilis na isinugod sa Tondo General Hospital ang biktima, agad na sumuko sa pulisya ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BRGY

DAANG BAKAL ST.

MABILIS

MALABON

NABATID

NAMATAY

ROLANDO ZAMORA

ROSE TAMAYO

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with