^

Metro

Away sa trapik, misis ni Sarge Binoga

-
Namatay noon din ang isang 38-anyos na misis ng isang Army Sgt. matapos na pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang motorista dahil lamang sa gitgitan ng sasakyan sa masikip na daloy ng trapiko na naganap sa Pasig City.

Kinilala ng Pasig City Police ang biktima na si Elisa Pingkihan, ng MRB Village, Taguig, Metro Manila. Ito ay agad na binawian nang buhay matapos masapol ng tama ng punglo sa ulo.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi kamakalawa habang ang biktima ay lulan ng kanilang sasakyan na nakalinya sa south bound lane sa kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue sa Brgy. Ugong, ng nasabing lungsod.

Ayon sa testimonya ni Joseph Pingkihan, 38, na nakadestino sa Defense Intelligence Security Group sa Camp Aguinaldo at mister ng nasawi, kasalukuyan umano niyang minaneho ang kanilang sasakyan na isang Mitsubishi Lancer katabi ang kanyang misis nang businahan sila ng suspect na lulan naman sa isang kulay itim na Honda Civic na walang plaka.

Galit na galit na pinagmumura umano sila ng suspect dahil sa masyado umano siyang mabagal magmaneho matapos silang maipit sa sobrang traffic. Bigla din umanong nagbunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang kanilang sasakyan na tumama sa kanyang misis.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na sumibad nang pagtakas ang suspect. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ AVENUE

ARMY SGT

CAMP AGUINALDO

DEFENSE INTELLIGENCE SECURITY GROUP

ELISA PINGKIHAN

HONDA CIVIC

JOSEPH PINGKIHAN

JOY CANTOS

METRO MANILA

MITSUBISHI LANCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with