42-anyos na nang-sex-slave sa anak-anakan, arestado

Dinakip ng pulisya kahapon ang isang 42-anyos na lalaki makaraang gawin nitong sex-slave sa loob ng apat na taon ang kanyang 14-anyos na anak-anakan sa Barangay Singkamas, Makati City.

Kinilala ng pulisya ang suspect na si Isidro Flores, walang hanapbuhay ng Nazario St., ng nabanggit na lungsod.

Samantala ang biktima ay itinago sa pangalang Isabel, first year high school student, ng nabanggit ding address.

Batay sa isinagawang imbestigasyon simula pa noong Oktubre 1999 na noon ay 11 taon pa lamang ang biktima nang simulang gahasain ng suspect ang anak-anakan.

Nabatid na pinapasok ng suspect ang biktima sa tuwing aalis at magtatrabaho ang ina ng bata. Tinututukan pa nito ng kutsilyo sa leeg ang bata sa tuwing hahalayin niya ito.

Bugbog sarado sa taumbayan ang suspect makaraang tangkain pa nitong tumakas nang arestuhin ng mga pulis sa kanyang bahay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments