^

Metro

Yaya na kumidnap sa alaga, timbog

-
Nabawi ng mga tauhan ng pulisya buhat sa kamay ng kanyang yaya ang isang taong gulang na bata na dinukot nito sa Cubao, Quezon City, noong nakalipas na Huwebes.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspect na nakilalang si Alma Mendoza at Rose Castro dahil sa pagdukot sa batang si Thea Penaflorida. Si Mendoza ay nagsisilbing yaya ng biktima.

Ang dalawa ay dinakip matapos na tanggapin ang P50,000 ransom money buhat sa mga magulang ng biktima.

Isinagawa naman ang entrapment operation makaraang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang ina ng bata na si Maria Leonora para ma-rescue ang kanyang anak.

Si Mendoza na gumagamit ng alyas na Zenaida Pedro ay may nakabinbing kaso sa pagkidnap sa 10-month old na si Van Angelo Manggallan ng Echague,Isabela noong Setyembre 18 na dito matagumpay siyang nakakolekta ng P50,000 sa magulang ng biktima. (Ulat ni Christina Mendez)

vuukle comment

ALMA MENDOZA

CHRISTINA MENDEZ

CUBAO

MARIA LEONORA

QUEZON CITY

ROSE CASTRO

SI MENDOZA

THEA PENAFLORIDA

VAN ANGELO MANGGALLAN

ZENAIDA PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with