^

Metro

Aburidong ina hinostage ang anak

-
Dahil sa aburido sa buhay sanhi na rin ng kawalan ng pera, hinostage at tinarakan ng isang 27-anyos na ina ang kanyang dalawang taong gulang na anak, kahapon ng umaga sa UN Avenue, Manila.

Bumaon ang kutsilyo at nagsugat ang leeg ng biktimang si Rommel Cordero makaraang i-hostage siya ng kanyang sariling ina na nakilalang si Rochelle Cordero, ng nabanggit na lugar.

Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ng WPD-General assignment Section naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mga ito.

Lumalabas na narindi umano ang suspect sa ginagawang pangungulit ng kanyang anak para bumili ng sitsirya sa tindahan.

Tuluyan nang naaburido ang ina sa ginawang pangungulit ng anak kaya hinostage niya ito at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Nang makita umano ni Joel Diaz, 26, live-in partner ang ginawa ng suspect ay tinangka niya itong awatin subalit parang wala na sa sarili at lalo pang ibinaon ang patalim sa leeg ng anak.

Mabilis namang nakapagresponde ang pulisya na nang makita ng suspect ay agad nitong inihagis ang hawak na patalim kaya siya nadakip ng mga awtoridad.

Nabatid na anak umano sa unang asawa ng suspect ang hinostage na biktima. Hindi umano nagbibigay ng sustento ang ama ng bata kaya ito ay napagdiskitahan ng suspect. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BUMAON

CRUZ

DAHIL

JOEL DIAZ

LUMALABAS

MABILIS

NABATID

NANG

ROCHELLE CORDERO

ROMMEL CORDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with