^

Metro

Cellphone snatcher pinugutan

-
Isang hinihinalang cellphone snatcher ang sinampolan ang iniulat na sinalvage at pinugutan pa ng umano’y isang grupo ng mga vigilante. Bukod dito ikinabit pa sa kanyang dalawang tainga ang dalawang kinulimbat nitong cellphones, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima na bukod sa pinugutan ay tinadtad pa ng saksak sa katawan ay tinatayang nasa gulang na 22 hanggang 25-anyos, nakasuot ng maong na pantalon at tadtad ng tattoo sa buong katawan.

Base sa imbestigasyon ng Central Police District-Criminal Investigation Unit natagpuan ang bangkay dakong alas-2:30 ng madaling araw sa panulukan ng Batino St. at Aurora Blvd. sa nabanggit na lungsod.

Binanggit pa sa ulat na kinabitan pa ng cellphones ang magkabilang tainga ng nasawi.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya ukol dito.

Samantala, lima pang kabataan na sinasabing miyembro rin ng cellphone gang na tinaguriang "Batang Hamog Gang", ang nadakip ng pulisya sa bayan ng Taguig.

Nakilala ang mga naaresto na sina Philip Ragado; Leonard Bacelon; Richard Diel; Isagani Ferrer at Leonard de Guzman.

Nadakip ang mga suspect sa isinagawang follow-up operation sa naturang lugar.

Ang mga suspect ay pawang sinampahan na ng kaukulang kaso. (Ulat nina Doris Franche at Lordeth Bonilla)

AURORA BLVD

BATANG HAMOG GANG

BATINO ST.

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

ISAGANI FERRER

LEONARD BACELON

LORDETH BONILLA

PHILIP RAGADO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with