Truck helper nagbigti sa ibabaw ng ten-wheeler
October 17, 2002 | 12:00am
Masusing inaalam ng pulisya kung nagbigti o sadyang binigti ang isang truck helper na ang bangkay ay natagpuan na nakasabit sa gitna ng isang ten-wheeler truck na nakaparada sa Makati City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni SPO4 Leonardo Timtiman, hepe ng homicide section ng Makati City Police ang biktimang si Amorie Enriquez, 26, binata, ng Arellano St., Barangay Palanan ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, dakong alas-12 kahapon ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakatali ang leeg at nakasabit sa ten-wheeler truck na nakaparada sa panulukan ng Arellano at Filmore St., Barangay Palanan.
Wala namang makuha pang ulat ang pulisya kung ano ang posibleng dahilan nito kung ito nga ay nagpakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended