^

Metro

Engineer natagpuang patay sa loob ng taxi

-
Isang mechanical engineer ang natagpuang patay sa loob ng isang taxi, kahapon ng umaga sa Malakas St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ni SPO2 Ramon Fernandez ng CPD- Criminal Investigation Unit (CIU) ang biktima na si Hernando Agacid, 35, may-ari ng Vizcaya Machine Shop ng Brgy. Quirino Solano, Nueva Vizcaya.

Batay sa imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6 ng umaga sa loob ng Sturdy Taxi na may plakang NYT-126 na minamaneho ni Marlon de Guzman na sinasabing mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nakumpirma ang pangalan ng driver mula sa dispatcher ng JME transport na si Leoncio Carandang.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni Fernandez na posibleng nabundol ng suspect ang biktima dahil sa nakitang may bangga ang unahang bahagi ng taxi, habang ang biktima naman ay nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng dadalhin ng suspect sa pagamutan ang biktima at isinakay na ito sa taxi, subalit natakot ito ng mabatid na hindi na humihinga ang huli.

Malabo ang anggulong robbery dahil nabawi sa nasawi ang dalawa niyang PRC ID, singsing at pitaka na naglalaman ng P18,000. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

HERNANDO AGACID

LEONCIO CARANDANG

MALAKAS ST.

NUEVA VIZCAYA

QUEZON CITY

QUIRINO SOLANO

RAMON FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with