^

Metro

Life hatol sa optometrist na child trafficker

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw na parusa ng Manila Regional Trial Court sa isang optometrist makaraang mapatunayang sangkot sa kasong child trafficking.

Ang hinatulan ay si Fe del Rosario, 47, ng Tondo, Manila ay napatunayan ni Judge Teresa Soriaso ng Branch 28 ng Manila RTC na lumabag sa anti-child trafficking law.

Base sa rekord ng korte, apat na taon na ang nakakaraan ng makatanggap ng tawag sa telepono ang Bantay Bata ng ABS-CBN office at isinumbong ang umano’y ginagawang pagbebenta ng bata ng akusado.

Dahil dito, binerepika ng Bantay Bata ang sumbong sa pamamagitan nang pagpapain ng patibong sa suspect.

Isang staff ng Bantay Bata ang kumontak sa suspect at nagpanggap na gusto niyang mag-ampon ng bata. Naayos ang usapan hanggang sa itinakda ang bayaran gayun din ang pagkuha sa sanggol na lingid sa kaalaman ni del Rosario ay isang entrapment na ang inihanda sa kanya.

Dinakma ang suspect matapos na tanggapin ang mark money sa kausap niyang kliyente buhat sa Bantay Bata. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BANTAY BATA

BATA

DAHIL

DINAKMA

HABAMBUHAY

ISANG

JUDGE TERESA SORIASO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NAAYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with