Utak sa pyramid scam, 11 pa arestado
October 15, 2002 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang utak sa umanoy operasyon ng pyramid scam kasama ang 11 nitong tauhan, kahapon ng tanghali sa Padre Faura, Ermita, Manila.
Kinilala ni Senior Inspector Virgilio Bacarra, hepe ng warrant section ng WPD ang mga suspect na sina Col. Ricardo Sison, sinasabing namumuno sa grupo; Emilia S. Sison; Lorna Bosque; Marilou Cabalo; Mirasol Aguilar; Tanie Pabustan; Primitivo San Pascual; Vilma Benitez; Elizabeth Cervera; Willian Sison; Mimosa Zamudio at Ireneo Sison Jr.
Ayon kay Bacarra, dakong alas-12:20 ng umaga ng arestuhin ang mga suspect habang papalabas sa compound ng DOJ dahil sa kagagaling lamang ng mga ito sa isang pagdinig sa isa pa ring kaso ng estafa.
Ang pag-aresto sa mga suspect ay alinsunod na rin sa reklamo ng ilan sa mga nabiktima ng grupo na sina Ret. Col. Navarro at Col. Velasco.
Dinakip din ang mga ito batay sa arrest warrant na ipinalabas ni QC Regional Trial Court Judge Jose Paneda.
Base sa sumbong, naglagak umano ang mga biktima ng malaking halaga sa grupo ng mga suspect bilang investment sa negosyong networking.
Nabatid na patung-patong na umano ang kasong estafa na kinasasangkutan ng mga suspect kung kayat inirekomenda ng prosekusyon na hindi maaaring makapaglagak ng piyansa ang mga ito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended